Kim Domingo, iiwanan na ang pagpapaseksi

throy Catan
Ni: Throy Catan
Marian_Kim

IBANG saya ang nararamdaman ng aming anak anakan na si Kim Domingo dahil unti-unti na niyang iniiwan ang pagpapaseksi dahil sa bagong proyektong kinabibilangan niya na “Super Ma’am” na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Mas inspirado ngayon si Kim dahil ang pakiramdam niya ay papalapit na siya sa pangarap niya na mapansin bilang aktres.

Aniya: “Iba ‘to sa mga nagawa ko before. Before, ang focus kasi madalas ay ‘yong pa-sexy side ko. Ito, ‘yong character ko mismo, ang pagiging palaban. Pati costume ko, hindi na rin gano’n ka-sexy, kasi nga, siyempre pambata.”

“Natutuwa rin ako kasi parang mas maa-appreciate na ako ng mga tao. Pambata na kasi, before, talagang may mga nagrereklamo, marami akong nababasa. ‘Ay, hindi ka magandang ehemplo sa kabataan, kasi ito palagi ang role mo,'” Sabi pa niya.

Nais ni Kim ito na daw sana ang umpisa para makatawid mula sa pagpapaseksi papunta sa pagiging isang ganap na aktres.

“Sana nga po ito na yung simula sa panibagong images ko siyempre gusto ko din po talaga mas makilala bilang aktres , yun talaga tatak sa mga tao , yun akin talento sa pagaarte para mas tumagal pa ako dito sa showbiz.” Sey pa niya.

Kamusta naman ka trabaho ang isang Marian Rivera? ” Sobrang na starstruck po talaga ako kay ate Marian,  dati kasi napapanood ko lang siya ngayon po kasama ko na po sa trabaho, sobrang bait niya and sobrang sweet, kaya thankful po talaga ako na makasama ako sa proyektong ito kasama ko pa si ate Marian.” Pahayag ni Kim.

Ang fantaserye “Super Ma’am” ay mapapanood na ngayon linggo pagkatapos ng 24 oras. Pak !

 

b43f0f4837d9bb11410db370e10cb4b4
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s