Magkano ang naging total makeover ni Xander Ford?

throy Catan

Ni: Throy Catan

XanderFord

DEDMA na si Xander Ford sa mga dating naging girlfriend na madalas na daw ngayon magparmdam ayon kay Xander na mas kilala noon sa katuhan ni Marlou Arizala, ang internet sensation na kabilang dati sa grupong Hasht5 at naging popular nang nagkaroon sila ng showdown ni Enrique Gil sa pagharana kay Liza Soberano kung saan ay binansagan siya ni Vice Ganda bilang “ang pambansang pinipig.”

Kaliwat kanan daw kung magparamdam ngayon ang kanyang mga dating ex-girlfriend ganun din ang kanyang mga niligawan noon.

Aniya: “Yun mga dati ko pong naging ex-girlfriend, nagcha-chat po sila tapos sinasabi po nilang meet-up tapos kain lang sa labas, ganun po , natutuwa naman po ako kasi atlis okay pa din kami after all.”

Aminado si Xander na tumanggi siya sa mga alok dahil nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho.

Samantala, sinabi ni Xander na nais niyang makasama sa proyekto ang idolong si Daniel Padilla at ang dati niyang “Home Sweetie Home” co-star na si Miles Ocampo.

Sey pa ni Xander, maliban kay Daniel pangarap din niyang makatrabaho ang mga bigating Kapamilya leading man na sina Enrique Gil at James Reid.
Sa ngayon, dalawang endorsements at isang pelikula ang nakapila para kay Xander.
Patay na nga daw si Marlou Arizala dahil siya na daw si Xander Ford ang bagong mamahalin ng mga tao.

Sa kabuuan ng pagpapa retoke kay Xander itoy umabot sa halagang 250, 000 para sa kanyang total make-over. Yun nah!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s