Vilma Santos, botong-boto kay Jessy Mendiola para kay Luis Manzano

throy Catan

Ni: Throy Catan

vilma-santos

LAST week ginawaran ng parangal ang Star For All Seasons na si Vilma Santos bilang Most Influential Actress of the Year at nasungkit naman ng anak na si Luis Manzano ang Best Game Show Host Award sa ALTA Media Icon Awards.

Ilan sa mga programa ni Lucky na naging host siya simula 2003 ang Minute to Win It, Family Feud, The Voice Teens, at ang bagong I Can See Your Voice. Marami na ring awards at nominasyon ang natanggap ng aktor-host.

Jessy-Mendiola Luis-Manzano

Sa isang panayam naman tila boto-boto si Vilma para sa actress na si Jessy: “The one thing I noticed with Jessy ay hindi ko po nakikitaan na kinukumpetisyon si (Luis). Parang, ‘hindi ako star, I’m the girlfriend.”

Dagdag pa ng Star for all Season: “Siyempre, kahit naman ako, imbitahin mo, mayroon pa rin akong arteng Vilma, ‘di ba, iyong artista. Pero kapag may dinner kami, wala eh. Hindi nakikipag-compete.”

Ano naman masasabi niya na tawag sa kanya ni Jessy ay Momskie? “Yun ang gusto niya itawag sa akin, siguro mas comportable siya dun niya ako tawagin. Sa totoo lang malambing si Jessy kaya sobrang love ko ang batang ‘yan.” Deklara pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s