NI: Throy Catan
NAGING usap-usapan kamakailan sa social media ang topless na pag-cover ng actress/TV host na si Anne Curtis sa Metro Wedding magazine. Sa cover ng magazine ay makikita na walang suot si Anne maliban sa belo habang tinatakpan ng kamay ang kanyang dibdib; ito’y ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram account. “First time to share a little bit of something I’ve kept to myself for so long,”
Samantala, tuloy na tuloy na ang nalalapit na pagpapakasal nina Anne at ang fiancé na si Erwan Heussaff, kahit hindi pa din nagbibigay ng detalye ang dalawa para sa kanilang nalalapit na kasal. Matatandaan naging engaged sa US noong isang taon ang dalawa.
Sa ngayon masaya mo pa din mapapanood si Anne sa number one noontime show ng Kapamilya neywork ang “Its Showtime!”