Michelle Vito, may planong sumali sa beauty contest

throy Catan

Ni: Throy Catan

Michelle-Vito2

ANG Kapamilya actress na si Michelle Vito ang nagpahayag ng kagustuhang makalahok sa mga beauty contest at sundan ang yapak ng mga artistang sina Megan Young at Pia Wurtzbach na nakilala bilang Miss World at Miss Universe.

Si Michelle ay nakilala sa fantaseryeng Aryana na pinagbidahan ni Ella Cruz sa Kapamilya Network.

Sa isang panayam kay Michelle, kinukumbinsi daw siya ng isang staff ng Binibining Pilipinas na sumailalim na siya sa training sa susunod na taon upang mapaghandaan ang kanyang pangarap na maging kalahok para sa prestihiyosong pagandahan. Kuwento ni Michelle: “Sabi sa akin noong isang staff ng Binibini, ‘Bakit hindi ka na lang… kung hindi mo man gusto ngayon, mag-train ka na para doon mo maramdaman kung gusto mo talaga. And once gusto mo na, at least ready ka na. Iyon ‘yung sinasabi nila sa akin,”

Hindi naman alam ng aktres kung may bayad o may fee ang pagsabak niya sa training lalo na’t kung may sponsor naman. Pagkakataon lamang umano ang hinihintay ni Michelle lalo na kung maluwag naman ang kanyang schedule.

Michelle Vito1

Marami rin sa mga kapwa niya Kapamilya actress ang nangungumbinsi sa kanyang pasukin ang beauty pageant tulad ni Sue Ramirez at mga road manager sa Star Magic.

“Mga friends ko sobrang supportive sila sa akin na sumali nga daw ako, kasi alam daw nila na pwedeng-pwede ako. Kaya lang nahihiya po talaga ako mag-swimsuit sa maraming tao hindi ko pa na try talaga.” Sabay tawa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s