Inah De Belen, hindi pa rin naipakikilala si Jake Vargas sa amang si John Estrada

throy Catan

Ni: Throy Catan

inah-jake

HALOS mag-iisang taon na ang relasyon nina Jake Vargas at Inah De Belen ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipakikilala ng dalaga ang kanyang kasintahan sa amang si John Estrada.

Ayon sa aktres na hindi pa rin daw niya naihaharap sa ama ang binata sapagkat hirap na hirap siyang pagtugmain ang mga oras nila. “’Lam mo naman kasi ang tatay ko na ‘yon, ang dami niyang ginagawa. I don’t know kung tapos na siyang mag-shoot for his indie movie, tapos may teleserye siya. He’s very, very busy. Tapos ang alam ko, almost every day na rin ang taping niya. So kaya wala talagang time para mapakilala ko talaga personally si Jake.”

Kadalasan daw ay weekend kung magkita ang mag-ama at si Jake naman ay nasa Subic. Nais na rin daw ng mga ito na makilala ang isa’t isa ngunit hindi pa sila magkaroon ng pagkakataon. “Minsan kasi nasa Subic si Jake kapag magkikita kami. Madalas weekend kaming magkita. E si Jake kasi, umuuwi ng Subic tuwing weekend. May family rin siya. Sobrang gusto niya nga na ma-meet ang dad ko! And my dad wants to meet him also, pero hindi lang nagkakaroon ng opportunity,”

jonh-estrada

Open na ba si Jake sa pamilya niya? “Oo naman po yun nga lang wala lang talagang time na magkikita po sila kasi may mga trabaho po espciallly po nga si tatay.”

Ano naman ang advice sa kanya ng kanyang mga magulang na si Janice at  John. “Madalas po nila sinasabi po sa akin mag-ingat daw po  at yun tiwala po nila wag ko daw pong sirain sa kanila, basta magpaalam lang po ng maayos wala naman daw pong problema sa kanila.” Pahayag pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s