Dennis Padilla, inamin na may pinagsisisihan siya noong bata pa si Julia Barretto

throy Catan

Ni: Throy Catan

dennis-padilla

NAGING emosyunal ang komedyante-direktor na si Dennis Padilla ng makapanayam sa programang “Tonight with Boy Abunda“. Tinanong siya ni Boy Abunda kung may mga pinagsisisihan ba siya. Sagot ni Dennis: “Yung mga growing up years ng mga bata, I was not there. For many years, ‘di ko napa-experience kina Julia, Claudia at Leon na binibihisan ko sila tapos hinahatid sa school. At nung naghiwalay na kami, ‘di ko na experience na katabi sila sa pagtulog. ‘Yun ang pinakamahirap na part ng paghihiwalay.”

Hiling naman ni Dennis na sana ngayon ay ang mga anak naman raw niya ang mag-reach out sa kanya.

“For many years ako ‘yung laging nag-reach out dun sa mga anak ko. Sana dumating ‘yung taon or time na sila naman ang mag-reach out sa ‘kin. “Sana kung may time naman sila para din sa akin.” Sabi pa niya.

Dennis-Padilla,-Julia-Barretto

Kinuwento rin ni Dennis na noon ay may panahong hindi siya nakapagbigay sa mga anak dahil wala siyang trabaho. Humingi na raw siya ng tawad sa kanila at sa Panginoon. Ibinahagi naman ni Dennis na maayos na ngayon ang kanyang relasyon sa mga anak niya. Natutunan raw niya na dapat dahan-dahan mo silang lapitan at hindi ka agresibo sa paghingi ng oras nila at dapat malawak ang iyong pagunawa para sa mga mahal mo sa buhay.

Samantala, maliban kina Julia, Claudia at Leon na anak niya sa aktres na si Marjorie Barretto, meron na rin siyang dalawang anak na sina Luis at Diane sa kanyang bagong asawa. ‘Yun nah!

 

Advertisements

One thought on “Dennis Padilla, inamin na may pinagsisisihan siya noong bata pa si Julia Barretto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s