Khalil Ramos, sasabak sa action scenes sa pelikulang “Riding in Tandem”

throy Catan

NI: Throy Catan

khalil ramos

KALIWAT kanan ang mga proyekto ng singer-actor na si Khalil Ramos. Bukod kasi sa regular mainstay siya sa number one fantaserye “La Luna Sangre“, heto’t may bago siyang movie ang “Riding in Tandem” sa direksyon ni Toto Natividad. Kasama niya dito sina Jason Abalos, Mara Lopez, Sue Prado, and Joem Bascon.

Sa isang panayam, sinabi ni Khalil ang kanyang role sa nasabing pelikula. Kuwento niya: “Ang pangalan ko dito, Jonard. May ate ako, si Sue (Prado). Ang ka-tandem ko talaga si Jason Abalos. Siya yung tunay na hitman na nakilala ko sa kulungan. Nakulong ako dahil I (sought) revenge for my sister’s death. Dun nabuo ang tandem namin na maging hired killers kaming dalawa.”

tandem2

First time na gagawa ng action movie si Khalil, ano ang naging preparasyon niya para dito? “At first nandun yun kaba, siyempre action toh! Sa fight director namin, I trained with him on how to hold a gun, how to fire a gun, how to throw punches. For the role mismo, as a method actor, I get into the mind of the character. Madami akong natutunan sa pelikula ito, kaya sobrang excited ako.” Sey pa niya.

Kamusta naman ka trabaho ang isang action direktor na si Direk Toto Natividad? “Sobrang professional po si Direk, wala po akong masabi! “Marami po akong natutunan sa kanyang mga tips pagdating sa action moves, most especially sa tamang pagbaril siyempre first time ko din po na may eksena may baril.” Deklara pa niya.

Ang pelikula “Riding in Tandem” ay mapapanood nyo na ngayon Oct 19 in selected SM cinemas.

riding in tandem movie poster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s