Dennis Padilla, botong-boto kay Joshua Garcia para sa kanyang anak na si Julia Barretto

throy Catan

Ni: Throy Catan

dennis-padilla

NANINIWALA ang komedyante-director na si Dennis Padilla na may relasyon na ang kanyang anak na si Julia Baretto sa actor na si Joshua Garcia, dahil dito boto naman daw si Dennis sa young actor. Katunayan niya si Joshua dahil sa pagiging mabait nito. Aniya: “Mabuti namang bata tsaka marespeto.”

Ayon pa kay Dennis: “Kinausap ko rin siya. Sabi ko sa kanya, ‘Wala namang problema ‘yan. Kung mahal mo ‘yung anak ko, tsaka mahal ka ‘nung anak ko, okay ‘yun.” Ang mahalaga lamang umano para sa comedian-director ay huwag sasaktan at lolokohin ni Joshua si Julia. “Kasi ako naman, comedian ako, e. Pero ‘pag nangyari ‘yun, magiging action star ako.” Sey pa niya.

joshlia-2017

Dagdag pa niya, nagustuhan niya si Joshua dahil hinarap siya nito, nagkita raw sila ni Julia noong Father’s Day at isinama nito si Joshua. “Actually, boto ako kay Joshua, kasi ang isang tunay na lalaki, kayang humarap sa magulang ng kanyang minamahal. “Sa tingin ko mabait na bata talaga at maganda ang pagpapalaki sa kanya. Sana lang mas unahin lang muna nila ang trabaho o karir nila, kasi minsan lang ito darating sa kanila. Kasi ang love nandiyan lang naman yan makakapag hintay yan, saka mga bata pa sila. Inspirasyon okay lang yan, wag lang maging seryoso sila kasi mahirap na, karamihan nasisisra sa pag-ibig.” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s