Wansapanataym, nominado sa 2017 International Emmy Kids Awards

throy Catan

Ni: Throy Catan

candy's cruch

NAGING nominado ang programang “Wansapanataym“, ang pinakamahabang children TV series ng ABS-CBN Kapamilya Network, sa 2017 International Emmy Kids Awards para sa kategoryang Best TV Movie/Mini Series na inihayag ng International Academy of Television Arts and Sciences noong Lunes, Oktubre 16, 2017.

Kinilala ng prestihiyosong award-giving body ang husay ng pagkakagawa sa isang episode nitong pinamagatang Candy’s Crush sa direksyon ni Andoy Ranay na umere noong Hunyo 2016; tampok ang isa sa mga love team ng Kapamilya network na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce.

Ang “Wansapanataym” ang kaisa-isang tv show sa Pilipinas na naging nominado sa International Emmy Kids Awards. Makakatunggali nito ang mga sikat na TV show sa ibang bansa tulad ng “Alleen op de Wereld” (Nobody’s Boy) mula sa Netherlands, “Hank Zipzer’s Christmas Catastrophe” mula sa United Kingdom, at “Little Lunch” mula sa Australia.

Nagsimulang umere ang Wansapanataym noong 1997 hanggang 2005 tuwing Linggo ng gabi at muling ipinalabas ang mga lumang episode mula 2006 hanggang 2007 araw-araw tuwing umaga. Noong Setyembre 11, 2010, muli itong umere sa ABS-CBN weekend primetime block tampok ang mga bagong episode, bagong kuwento, sa pagganap ng mga sikat na artista.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s