Jason Abalos, lumipat na sa Kapuso network

throy Catan
Ni: Throy Catan
JASON-ABALOS-1202

HINDI naging madali ang naging desisyon ng dating Kapamilya actor na si Jason Abalos tungkol sa kanyang paglipat sa kanyang bagong management . Aniya, dumaan siya sa mahabang proseso bago nag desisyong lumipat sa GMA Network, pagkatapos ng 12 taon bilang exclusive talent ng ABS-CBN. Kuwento ng actor : “Mga three years kong iniisip at pinagdarasal, ‘Gagawin ko ba ‘to or hindi? Para sa akin, ibinigay na lang ni Lord, ‘Sige, ayusin ko ‘yan. Yung mga taong iniwan mo sa kabila, kausapin mo mabuti.’ Hindi siya madaling desisyon para sa akin.”

Noong Oktubre 3 pormal na pumirma ng kontrata si Jason bilang bagong talent ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network. Dumalo sa contract signing sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable at Senior AVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.

Masaya naman daw ang actor sa kanyang naging desiyon, pero sana lang daw huwag na lang bigyan ng kahulugan ang paglipat niya kasi maayos naman daw siyang nagpaalam sa dating mangement niya ang Kapamilya network. “Oo naman, lahat ng mga mahal kong boss dun. Lahat ng mahal ko na head ng Star Magic. Kahit mga handlers ko, okay naman. Nakapagpaalam ako nang maayos. Medyo yung handler ko for 12 years, medyo emotional pa. Pero siyempre, ganun talaga, pamilya mo na, e.” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s