Baron Geisler, posibleng bumalik sa rehab

throy Catan

Ni: Throy Catan

Baron Geisler

MAY planong ipasok sa rehabilitation center si Baron Geisler sa oras na ito’y makalaya; ito ay ayon sa kanyang pamilya.

Matatandaang inaresto si Baron makaraang mag-eskandalo umano ito sa isang resto-bar sa Quezon City nitong Oktubre 16 ng gabi. Ang planong pagpapa-rehab sa aktor ay dahil sa pagkakalulong muli nito sa matinding pag-inom ng alak.

Sinabi ni Donald David Geisler, nakatatandang kapatid ni Baron na kukumbinsihin ng iba pang miyembro ng pamilya ang aktor paglabas nito ng kulungan.

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Geisler sa Quezon City Police District (QCPD) station 10 dahil sa kasong alarm and scandal at unjust vexation dahil sa pagwawala sa loob ng TGIF o Fridays restaurant last week, Lunes.

Ngunit nilinaw ni Donald na desisyon pa rin ni Baron kung siya’y magpapa-rehab.

Sa ngayon wala pang panig si Baron kung tuluyan ba siyang magpa-pa rehab para tuluyan na din siyang gumaling, sayang din kasi ang actor na ito, aminin natin o hindi isa siya sa magagaling na actor. Kaya lang kung hindi siya talaga magbabago kahit anong galing niya umarte, hindi na siya talaga kukuknin kasi marami ang takot na artista para makatrabaho siya kasi sa panget niyang pag-uugali. ‘Yun nah!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s