Jona, apektado nga ba masapawan siya ni Regine Velasquez sa kanyang sariling concert?

throy Catan

Ni: Throy Catan

jonalyn viray jona

HINDI apektado ang singer na si Jona sa mga nagsasabi na posibleng masapawan siya ni Regine Velasquez sa sarili niyang concert na Prima Jona sa darating na Nobyembre. Mas nangingibabaw umano ang pananabik niyang maka-duet itong muli.

Tugon niya sa isang panayam: “Wala naman po sa akin ‘yon, kung ang comment man po ng mga tao na nangibabaw si Ate Regz! Wala pong problema sa akin po yun.”

Dagdag pa ng mang-aawit, mas nangingibabaw pa rin daw ang pagtanaw niya ng utang ng loob sa itinuturing niyang mentor. “Sobrang laki po talaga ng nagawa niya for my career. Siyempre, umpisa pa nga lang po ng Pinoy Pop Superstar hanggang sa ngayon po, sobrang laki po ng suporta niya sa akin. So, kung ano man po ‘yung sabihin ng mga tao, ano ko po ‘yon parang wala lang po sa akin ‘yon. And I’m very, very happy na, this time, makakasama ko po ulit siya sa Prima Jona concert ko po, and very excited to do another duet with the Asia’s Songbird,” Sey pa niya.

Si Jona, na kilala noon sa pangalang Jonalyn Viray, ang unahang winner ng dating singing search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar, kung saan si Regine ang host. Nagkasama rin ang dalawa sa mga dating Sunday musical-variety shows ng GMA-7 na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars. ‘Yun nah!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s