Robin Padilla, nagpasalamat sa mga nag-donate para sa mga survivors sa Marawi

throy Catan

Ni: Throy Catan

KAMAKAILAN ibinahagi ng actor na si Robin Padilla. Sa kanyang Instagram, pinakita niya ang donasyon pera na isa’t kalahating milyong piso ang kabuuan ng ibinigay ng actor na si Piolo Pascual at ng direktor na si Joyce Bernal para sa “Tindig Marawi” para sa kanyang project- Robin Padilla.

View this post on Instagram

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Nagbigay ng isang milyong piso ang actor na si Piolo Pascual, ang direktor naman na si Joyce Bernal ay nagbigay ng kalahating milyong piso para sa mga mamayan ng Marawi na nagsisimula muli ng kani-kanilang buhay pagkatapos ng nagdaang giyera.

Kuwento ni Robin,”Pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag good time kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi.”

Dugtong pa ng actor,”Sobrang nagpapasalamat ako sa atin mga kaibigan Piolo at Direk Joyce dahil malaking tulong ito para sa mamayang ng Marawi , maraming buhay silang matutulungan para sa kanilang donasyon, Saludo po ako sa dalawang kaibigan kong ito,bihira ang ganitong mga kalseng tao na may ginintuang puso para sa tao.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s