Xander Ford, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo tungkol sa mga nagbu-bully sa kanya online

throy Catan

Ni: Throy Catan

xander-ford-marlou-arizala

ALAM ng lahat kung gaano kagaspang ang ugali noong siya pa si “Marlou Arizala” hanggang sa magbago ang kanyang anyo sa pamamagitan ng plastic surgery, hindi pa rin umano tinantanan at nilubayan ng batikos, kritisismo at pamba-bash ang internet sensation at dating miyembro ng Hasht5 na si Xander Ford.

Mas tumindi pa ito nitong mga nakaraang araw nang nasasangkot na siya sa mga maaanghang na komentong binitiwan niya hinggil sa mga sikat na personalidad sa showbiz tulad nina Miles Ocampo at Kathryn Bernardo. Humantong pa ito sa pagsasampa niya ng reklamo sa PNP Anti-Cyber Crime Group para sa cyberbullying at pagkakaroon ng sari-saring death threats, na nagdulot sa kanya ng depresyon.

xander-and-raffy

Kamakailan lamang ay naging panauhin ng palabas ni Raffy Tulfo na “Itimbre mo kay Tulfo” ng TV5 Kapatid Network si Xander. Dito niya ibinahagi ang kanyang sama ng loob sa kanyang bashers dahil sa matinding pang-aalipusta at pambabatikos sa kanya sa social media sites. Kaugnay nito, umapela rin siya sa lahat ng kanyang bashers na tigilan na siya dahil humingi na siya ng dispensa kay Kathryn Bernardo lalo’t karamihan sa mga nambubulabog sa kanya ay mga tagahanga nito.

Dagdag pa ni Xander,  tanggap niya ang kanyang pagkakamali, at kung kinakailangan niyang lumuhod sa harapan ni Kathryn ay gagawin niya mapatawad lamang siya ng mga tagahanga nito. Natatakot daw siya sa mga basher dahil pinagbantaan siyang babarilin ng mga ito kapag nakita sa kanto.

Si Raffy Tulfo naman na kilala sa pagiging matapang at prangkang magsalita ay direktang pinagsabihan si Xander na maaaring ito ay “karma” sa kanya. Inutusan niya si Ford na humingi ng dispensa sa mga celebrity na nabigyan niya ng mga ‘di-kanais-nais na mga komento gayundin sa taumbayan.

Sinabihan din siya ni Raffy na huwag na niyang muling gawin ang pangbu-bully sa kapwa dahil pangit ang ganun paguugali, dahil dito ilang beses na humingi ng paumanhin si Xander sa lahat ng kanyang na bully at na pinatsan noon siya ay marlou pa lang. Sana nga iho tuluyan ka ng magbago ‘wag lang sa salita kung hindi sa gawa at isa puso mo ang lahat ng sinasabi mo most espcially ang paghingi mo ng tawad sa mga taong nilait mo ang pagkatao. yun nah!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s