Jona, nananatiling matatag kahit wala na ang kanyang ama

throy Catan

Ni: Throy Catan

jonalyn viray jona

SA morning show na Magandang Buhay nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla “Queen Mother” Estrada. Muling nag guests ang singer na si Jona Viray noong Huwebes, Nobyembre 2, 2017.

Bago magsimula ang panayam kay Jona, buong pusong inawit ni Jona ang makabagbag-damdaming “Natutulog ba ang Diyos” na unang pinasikat ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Matapos ang kanyang madamdaming pag-awit, tinanong ni Momshie Melai kung ito ba ang kasalukuyang awit ng kanyang buhay. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kamakailan lamang ay pumanaw ang ama ni Jona dahil sa fungal mass na namuo sa utak nito. Inamin naman ni Jona na minsan ay natanong niya sa sarili iyon lalo na’t hindi nila inasahan ang maagang pagkamatay ng ama sa edad na 51.

View this post on Instagram

Miss u Daddy….

A post shared by JONA (@jona) on

Ibinahagi din ni Jona ang pinagdaanan ng kanyang ama bago nila nalaman na may fungal mass sa utak nito. Dumaraing daw ng matinding sakit ng ulo ang kanyang tatay kaya naman pinasuri nila ito sa doktor. Lahat ng uri ng test ay ginawa sa kanyang ama dahil ito ay may diabetes.

Sumailalim ito sa operasyon upang matanggal ang fungal mass. Naging matagumpay naman ito, subalit ilang buwan lamang ang lumipas ay muli itong nagbalik. Sumailalim itong muli sa operasyon subalit na-comatose ito hanggang sa bawian na nga ng buhay. Sa Kasalukuyan si Jona ang tumatayong bread winner ng kanilang pamilya, kaya naman malaki ang pasasalamat ng dalawang nakakabatang kapatid niya para sa kanilang ate Jona, na laging nandiyan daw para sa kanilang pamilya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s