Xander Ford, hindi naniniwala na hindi siya kilala ni Kris Aquino

throy Catan

Ni: Throy Catan

xander-ford-marlou-arizala

HINDI umano naniniwala si Xander Ford, dating kilala bilang Marlou Arizala, na hindi siya kilala ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Ito ang naging tugon ni Xander nang tanungin siya kung naniniwala ba siya na hindi siya kilala ni Kris Aquino. Matatandaan sa isang panayam ng entertainment press tinanong si Kris hinggil sa komento nito sa pagpaparetoke ni Xander, ngunit batay sa nasabing panayam ay hindi kilala ni Kris si Xander.

Ayon kay Xander, sa palagay niya ay napanood naman daw siya ni Kris. “Di ko po alam, e. Pero feeling ko po, napapanood naman po ako ni Tita Kris. Kasi siyempre, may mga anak din siya or friend, family, ganun na nagso-social media. Siya din po may social media siya.”

Sabi pa ni Xander na baka gumawa lang ng ‘content’ si Kris upang kunwari ay hindi siya kilala. “Baka po ano lang, gumawa lang siya ng content na para kunyari, hindi niya ako kilala.” Deklara  pa niya.

kris-aquino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s