Maine Mendoza, sinagot ang katanungan ng mga fans sa ASKfm

throy Catan

NI: Throy Catan

maine-mendoza

MASAYANG nakipagkuwentuhan ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa kanyang mga fans sa social networking site na ASKfm. Dahil dito, Game na game na sumagot si Maine sa mga tanong tungkol sa personal niyang buhay, trabaho, sa kanyang ka-pareha na si Alden Richards at marami pang iba.

Ngunit ang talagang umani ng pinakamaraming likes ay ang kanyang payo tungkol sa pag-ibig at sa mga dumaraan sa depresyon.

Sa una tanong para kay Maine kung ‘Naranasan mo na ba manlimos ng pagmamahal? ‘Agad naman sinagot ni ng actess: “Hindi! At hindi ko kailanman gagawin ‘yun. Ang pagmamahal hindi hinihingi, at lalong hindi nililimos. Ibinibigay ‘yun nang kusa, nang walang kapalit. ‘Wag kang umabot sa ganun, owkeiiiii.”

Naranasan

May isang fan rin na humihingi ng payo dahil pakiramdam raw nito ay may depresyon siya at ayaw sabihin sa mga magulang niya. Ang nakakatuwang payo ni Maine ay, ‘Girl, walang mawawala kung susubukan mo. Tell your parents about it because they have to know. Sila ang tutulong sa ‘yo.”

Samantala, marami pang mga nakaaaliw na ibinahagi si Maine tulad ng kuwento niya nung sumakay siya ng jeep.

Kuwento niya: “So ayun na nga sumakay ako ng jeep noon tapos nahihiya ako pumara kaya nag-antay ako ng bababa tapos lumagpas na ‘yung bahay namin, ilang kanto na din ‘yung nalagpasan bago may bumaba kaya ayun…naglakad ako pauwi, balewala ‘yung jineep ko. Hay buhay.”

Kung gusto mo pang mas marami malaman na Q & A portion tungkol sa mga payo o karanasan ni Maine , pumunta lang kayo sa kanyang profile account, I’m sure mas marami kayong matutunan mas makakatulong sa inyong buhay, Db, Maine?

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s