Sunshine Cruz, ibinahagi niya ang sikreto kung paano maging healthy and fit

throy Catan

Ni: Throy Catan

Wildflower_sunshine cruz

Sa kabila ng pagkakaroon ng active lifestyle, inamin ni Sunshine Cruz na siya’y nadagdagan ng nasa 20 lbs. habang nagte-taping ng “Wildflower“. Aniya: “Hindi lang nahahalata kasi si Camia Cruz, ‘yong characters ko sa ‘Wildflower,’ laging over-sized ang mga damit, ‘di ba? Pero I just realized it’s not doing me good health-wise and uncomfortable na talaga ‘pag hindi ka fit,”

Sabi pa niya, importante ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansya. “Pag walang work, exercise. ‘Pag may work siyempre ingat sa food. Hindi ‘yon nahalata ng mga tao. Hindi n’yo alam maluwag lang ‘yong damit ko,”

Dugtong pa ni Sunshine, kahit sersyoso siya sa kanyang diet ay hindi niya dini-deprive ang sarili na kumain kung saan may tinatawag siyang ‘cheat days’. “Weekends kinakain ko ‘yung mga kini-crave ko. Isang linggo kunwari, gusto ko shawarma, sa Saturday ‘yon ang kakainin ko. Discipline lang. I lost the 20 pounds in almost a month,”.

Sa kabila ng disiplinang ito, labis namang nagpapasalamat ang aktres sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay na todo-suporta sa kanya. “I am very happy now. It’s not perfect but I’m very happy now and I’m very blessed na merong isang tao na hindi lang sa akin nagmamahal kundi pati sa mga anak ko, na tinatrato sila na parang mga anak din,” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s