Pokwang, ibinahagi sa Instagram ang pangalan ng kanyang magiging anak

throy Catan

Ni: Throy Catan

MASAYANG ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang ang pangalan ng kanyang ipinagbubuntis sa kanyang mister na si American actor Lee O’Brian.

Sa Instagram post ni Pokwang, sinabi nitong Malia Francine ang pangalan ng kanyang baby girl.

Agad namang napansin ng mga netizen ang pangalan na ito ng baby ni Pokwang na katulad ng lead character ng ABS-CBN primetime series na ‘La Luna Sangre.’

Si Malia ay ginagampanan ni Kathryn Bernardo na may mga special skills bilang isang anak ng werewolf na si Angel Locsin at bampirang si John Lloyd Cruz.

Nag koment naman ang isang netizen na si John Paul#14 sa naging post na binigay na pangalan ng komedyana na si Pokwang, ito ang naging pahayag ng isang netizen:  “Humanda na kayo! lalo ka na Sandrino/Supremo eto na talaga ang totoong itinakda.” “Paparating na ang minime ng Itinakda”..”Idol na idol mo siguro ang ‘La Luna Sangre,’.”

Naaliw naman si Pokie sa naging komentaryo ng netizen . “Thank you , thank you John Paul#14.” Sey ni Pokie.

Sa Pebrero 2018 naman inaasahang isisilang ni Pokwang ang kanyang baby girl.

Nagsimula umano ang relasyon ni Pokwang kay O’Brian noong Enero 2015. Sila’y nagkakilala habang ginagawa ang TFC movie na “Edsa Woolworth.”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s