Angel Locsin, rumesbak laban sa isang basher sa Instagram

throy Catan
Ni: Throy Catan
angelica-locsin

RUMESBAK ang La luna Sangre star na si Angel Locsin laban sa isang basher na pilit na inuungkat ang nakaraang nag-uugnay sa kanila nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Si Angel ay dating kasintahan ni Luis Manzano, na ngayo’y nobyo ni Jessy. Ayon sa isang netizen ang nagpatutsada kay Angel na may handle name na @annecurtis_4_fhm200, na hindi pa raw naka-move on si Angel sa hiwalayan nila ni Luis.

Photo: LionHearTV

Ito ang naging komentaryo ng netizen: “PWEDE BANG PAG SABIHAN MO ANG FANTARDS MO TO STOP THE HATE AGAINST JESSY!! DIBA NAKA ‘MOVE O’ KA NA? ‘YUNG GINAGAWA SAYO NG KN TARDS MADALAS GAWIN NG BULLY MONG FANS AGAINST LIZA AND JESSY!!“WALK THE TALK!”

Agad naman napansin ni Angel na may ibang ‘agenda’ ang netizen na ginamit pang handle name ang pangalan ng bagong kasal na si Anne Curtis. Sagot ni Angel sa netizen: “Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si Anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl!..”

Bumuwelta ang netizen: “I hope you’re really moved on from @luckymanzano because obviously your bully fans are not.”

Sa pagkakataon ito muling nabuksan ang isyung hiwalayang Luis at Angel dahil pareho silang imbitado sa kasal ng common friend nilang si Anne Curtis, na ginanap nitong November 12 sa New Zealand.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s