Mel Tiangco, sinagot ang katanungan kung bakit wala siyang social media account

throy Catan

Ni: Throy Catan

Mel Tiangco

MARAMI ang nagtataka kung bakit walang sariling social media accounts ang isang batikang mamamahayag na katulad ni Mel Tiangco, gayong karamihan sa kanyang mga kasamahan sa industriya ay mayroong social networking sites. Ang hindi alam ng karamihan, ito ay dahil sa labis na dedikasyon ng tinitingalang newscaster sa pagtulong sa kapwa.

Sa press conference para sa ikalimang anibersaryo ng kanyang programang Magpakailanman, naitanong kay Mel kung bakit wala siyang social networking accounts.

Para kay Mel, hindi sapat ang oras niya para sagutin ang mga mensahe at komento sa social media. Isa pa, wala rin daw siyang planong kumuha ng tagasagot para sa kanyang account. “I think sa GMA Network and GMA Foundation(meron). Personally, wala, e.” Giit niya.

Nakatuon daw ang oras ni Mel sa trabaho at sa Kapuso Foundation, na nagsasagawa ng mga programa at proyekto para tumulong sa mga nangangailangan at sa komunidad. “Tutal ‘yung activities ko naman, nalalagay sa GMA Kapuso Foundation, iba niyan, sa GMA Network. Okay na din yun mas okay ako sa pribadong buhay mahirap ng magkaroon ng mga bashers!” Sabay tawa niya.

Samantala, ang Magpakailanman ay mayroon namang Facebook page. Maging updated sa mga bagong episodes ng Magpakailanman! I-follow ang Facebook page para sa nasabing programa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s