L.A Santos, naging biktima nga ba ng pagkakaroon ng power-tripping na ugali ng TV host na si Willie Revilliame?

throy Catan

By: Throy Catan

LA-SANTOS-2

USAP-USAPAN ngayon ang hindi pag-perform ni LA Santos sa sikat na variety show ng Kapuso network na Wowowin. Nangyari ito last Thursday, November 23. Nag-guest ang K-Pop boy band na HALO kasama si LA para i-promote ang concert na K-Fest PH na gaganapin sa Araneta Coliseum. Si LA Santos lang ang nag-iisang Filipino guest sa nasabing K-POP event.

Ayon sa aming sources, hindi pinayagan ng host ng show na si Willie Revilliame na mag-perform si LA dahil hindi raw siya Koreano. Ikinuwestyon din niya kung bakit may Pinoy sa isang K-Pop group at magpe-perform kasama ang nasabing grupo and the worst sa senaryo nagmumura raw ito sa mga staff and parang nagparinig sa mga guests na siya nga ang tunay na hari, pag ayaw niya eh, ayaw niya! In short, umatake na ang pagiging bipolar niya hahaha! We’ll hindi na rin ito nakakapagtaka dahil ganito naman talaga ang pag-uugali ni Willie. Ang nakakalungkot lang ay nasaksihan ito ng mga guests from Korea. At least man lang sabihin niya ng maayos para hindi nakakahiya sa mga guests from out of the country.

willie-revillame

Well para lang po sa’yong kaalaman Willie, ang aming anak anakan lang naman na si  LA Santos, ang Filipino representative ng nasabing event and takenote mismo ang organizer/producer  ng event ang pumili sa kanya kasi malaking bahagi siya ng nasabing konsierto dito ng grupo . So alam mo na Mr. Wowowin? ha ha ha ha ha !!!

Samanatala,Bago pa ito nangyari, nag-guest muna si LA at ang HALO sa Kapamilya variety show na It’s Showtime. Marami ang napa-wow na audience habang hinaharanahan nina LA at HALO ang kanilang mga fans. Sabay silang kumanta ng kantang Ngiti na pinasikat ni Ronnie Liang.

Last Friday, November 24, nagkakaroon ng mini fan meet and fan signing event ang HALO at si LA sa K-Pub Glorietta. Marami ang nagtitiliang mga fans ang dumating para makita sila.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s