Maine Mendoza, nakikiusap sa mga fans na bigyan siya ng “freedom” ayon sa kanyang blog

throy Catan

Ni: Throy Catan

Maine Mendoza

SA pamamagitan ng isang mahabang bukas na liham para sa kanyang mga tagahanga, isiniwalat ni Maine Mendoza ang kanyang tunay na nadarama makalipas ang dalawang taon mula nang makilala siya bilang si “Yaya Dub.”

Sa kanyang blog, sinabi ng phenomenal star na hindi siya sigurado kung tama nga ba ang ginagawa niyang pagsulat sa mga tagahanga, subalit kailangan niya umanong ilabas ang kanyang nadarama hinggil sa ilang bagay.

Sa unang bahagi ng liham ay nagpasalamat siya sa sa suporta at pagmamahal na natanggap nila ni Alden Richards, ang kalahati ng AlDub love team, mula sa mga tagahanga.Aniya, habambuhay niyang ipagpapasalamat na dumating sila sa kanyang buhay.

Ipinagpasalamat niya na sa loob ng dalawang taon niya sa larangan ng show business ay naroon ang mga nagmamahal na mga fans. Subalit, dumating umano ang araw na hindi na siya masaya sa mga nangyayari.

Para kay Maine, pakiramdam niya ay nakatira siya sa isang kahon. “Dumating ‘yung araw na naramdaman ko na para bang hindi na ako masaya. Na kahit sandamakmak ang biyaya ang natatanggap ko, nawala na yung ligaya sa puso ko. Hindi ko na makita yung tuwa sa mga ngiti ko at kinang sa mga mata ko. Hanggang sa napagtanto ko na iyon pala ay dahil sa ilang mga tao na nakapaligid sa akin,”

Patuloy pa niya, nahihirapan siya na dinidiktahan kung ano ang dapat gawin at maramdaman. “Napagtanto ko na nakokompromiso na yung kalayaan at kaligayahan ko. At hindi ko kayang mamuhay ng ganoon,”

Hiling naman ni Maine sa kanyang mga tagahanga ang kanyang kalayaan. Kalayaang maramdaman ang nais niyang maramdaman at kalayaang gawin ang nais niyang gawin.

Mababasa sa kanyang blog at Twitter account ang buong bukas na liham ni Maine para sa kanyang mga tagahanga.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s