Kathryn Bernardo, isiniwalat ang kanyang karanasan sa mga cyberbullies

throy Catan

Ni: Throy Catan

AMINADO ang teen queen na si Kathryn Bernardo na ang pinakamatinding cyberbullying experience niya ay noong sumuporta sila sa isang kandidato noong nakaraang eleksyon. Kuwento niya: “Siguro ang pinakamalala ‘yung last election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto. As in, hindi ako lumalabas. Sobrang na-depress ako nu’ng na-receive naming pangba-bash sa lahat ng tao noong time na ‘yun. And until today, kapag nag-social media ka.”

KATH

Si Kathryn at si Daniel Padilla ay ambassadors ng CyberSmiles Organization. Isinusulong nila ang pagtigil ng cyberbullying at bashing.

Ang misyon nila Kathryn ay maging mas responsable ang mga tao sa pagkomento online. Ibinahagi rin niya ang malaking epekto ng cyberbullying sa kabataan, “Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers. Sa pag-aaral nga, 13 to 17 years old, 80% dito sa Philippines, naka-experience ng cyberbullying. Mas maganda po talaga hanggang maaga mabigyan ng solusyon ang mga ganitong bagay.”

“Sana maging responsible po tayo palagi pagdating sa ating mga pino-post.” Dugtong pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s