Fans nina Vice Ganda at Maine Mendoza, ikinatuwa ang kumakalat na letrato ng kanilang idolo na magkasama

throy Catan

Ni: Throy Catan

SOBRANG saya ang fans ng Kapamilya host na si Vice Ganda at ng Kapuso actress na si Maine Mendoza nang makita ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang larawan.

Sa Instagram (IG), ini-upload ng IG user na si @jm_ro ang larawan ng komedyante at ng aktres, at inilagay sa location ang Revel at The Palace, isang bar sa Bonifacio Global City. “About last night @mainedcm @praybeytbenjamin,” Ito ang nakalagay na caption.

Masayang-masaya ang fans nila na makita ang nasabing larawan.

“Wow, nag-meet na pala ‘yong dalawang magandang nilalang na mga lodi (idol) ko.” sabi ni @pabz_gubala.

“Tao din ang mga artista, mas marami ngang chance ang mga ‘yan magkaron ng maraming kaibigan dahil celebrities sila or public figure! Me personally, I’m happy everytime I see Maine has pictures with other artists, starting enjoying her showbiz life,” Sey ni @sg_dxb_adshe.

“Kapag magkaiba ng network magkaaway ba dapat? Hindi noh, maliit lang mundo ng showbiz kaya hindi dapat paliitin pa,”Para naman kay @shemardom.

“Ang cute ninyo tingnan together. Labyuu, Maine and Vice,” kumento naman ni @nightskysailor.

As of posting, nakakuha na ng mahigit sa 29,000 favorites ang nasabing larawan. Marami rin ang nagsabi na marahil ay magiging mas masaya sila kung magkakasama sa isang proyekto ang dalawa, na kapwa mga maniningning na bituin sa industriya.

‘Yun ang dapat abangan ang pagsamahin sina Vice at Maine na pwede naman kung gugustuhin basta kailangan both party ay okay ang kani-kanilang mother studio.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s