Anne Curtis, nag-donate ng P 7.5 million sa UNICEF

throy Catan

Ni: Throy Catan

anne curtis unicef
Photo: UNICEF Philippines

HINDI lingid sa kaalaman ng ilan ang pagtulong ng aktres at TV host na si Anne Curtis sa mga charitable institution, pampublikong paaralan at mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang foundation na Dream Machine.

Masaya si Anne  matapos niyang mai-turn over ang tseke na nagkakahalaga ng halos 7.5 million pesos sa United Nations Children’s Fund (UNICEF). Sa ulat ng RMN, ito ang kinita mula sa kanyang “The Color Run Dream” project noong September 3 sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Labis ang pasasalamat naman ng It’s Showtime host sa lahat ng mga sumuporta at nakilahok sa fun run. Ayon kay Anne, isa lamang ito sa marami pang proyektong gagawin niya bilang isang celebrity advocate para sa mga bata katuwang ang UNICEF.

Target din niyang makapagpatayo ng mga classroom para sa mga kapus-palad na mag-aaral. Gayundin ang pagtulong sa mga batang may cancer, pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kabataan at pagdaraos ng mass wedding sa mga less privilege unmarried couple.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s