Maris Racal at Iñigo Pascual, sinagot ang ‘pinakamahihirap na tanong’ ni Boy Abunda tungkol sa kanilang relasyon

throy Catan

Ni: Throy Catan

MARAMI sa mga tagahanga at tagasubaybay ng MarNigo o tambalang Maris Racal at Iñigo Pascual ang kinilig matapos nilang maging panauhin sa Tonight with Boy Abunda noong Nobyembre 29, 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2nd anniversary ng naturang evening talk show.

Bahagi ng pagdiriwang ang segment na “2 Be Honest” kung saan kailangang sagutin ng magkapares na guests ang ‘pinakamahihirap na tanong’ sa kanila ng batikang host at King of Talk na si Boy Abunda.

Naitanong sa dalawa kung ano na ang namamagitan sa dalawa. Sinagot naman nila ito na maayos at komportable sila sa isa’t isa bilang magkaibigan. ‘Exclusively talking’ lang umano sila dahil wala naman silang oras para mag-date dahil sa busy schedule!

maria inigo

Ayon kay Maris: “We’re both focus po para sa aming kanya-kanya career, hindi po muna namin siguro naiisip yun pang personal namin.”

Para naman kay Inigo: “Happy kami ni Maris , pag magkasama kami madalas! Siguro hanggang dun muna kami , But we dont know kasi so far Maris is very ideal girl.”

Samantala, Inamin naman ni Inigo na nagkaroon sila ng relasyon ng aktres na si Sophia Andres, Kay Maris naman, tahasan niyang sinagot ang paratang na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Diego Loyzaga at Sophia Andres, nasasaktan umano siya kung bakit patuloy pa rin siyang idinadawit sa isyung ito. yun nah!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s