Maxene Magalona, nahihinayang dahil hindi niya makakasama ang kanyang ama na si Francis M sa kanyang kasal

throy Catan

Ni: Throy Catan

Maxene Magalona

AMINADO si Maxene Magalona na meron siyang pinanghihinayangan sa kanyang nalalapit na kasal. Naiisip raw niya na sana ay buhay pa ang kanyang mahal na amang si Francis Magalona upang maihatid siya sa altar.

Kuwento pa ni Maxene sa Magandang Buhay na minsan raw ay nalulungkot siya tuwing nakikita ang “father-daughter” dance sa mga kasal. Aniya, “Alam mo, grabe. Ever since na mawala si Papa, tapos mag-a-attend ng wedding, ‘yung father-daughter dance, ‘di mo mapigilan na ma-miss mo si Papa, pati ‘yung nakikita mong naglalakad down the aisle.”

Sa kanyang darating na kasal ay hindi raw talaga niya maiiwasan na maging emosyonal. Sey pa niya: “Siyempre nakakalungkot, but ganoon talaga. Yes, sobrang mami-miss ko talaga ‘yon. That’s one of the things na talagang maaalala at maiisip ko on my wedding day. Sobrang close kasi talaga kami ni Papa.”

francis_magalona1

Dagdag pa ni Maxene, “Feeling ko kasi si Papa napakalakas niyang tao and idol siya ng lahat, pero ako pinaka-idol ko talaga siya.”

Bagamat may panghihinayang, masaya namang ibinahagi ni Maxene na ang kanyang fiancè na si Rob Mananquil ay humahanga rin kay Francis M.”Sobra niyang iniidolo si Papa. He’s also a musician. The way he respects my dad ibang klase.”

“Even si Rob nanghihinayang din, sana nga daw na meet niya daw muna si Papa kasi sobrang idolo niya daw talaga ito”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s