Richard Gutierrez, ibinahagi ang tungkol sa pagbubuntis ni Sarah Lahbati

throy Catan

Ni: Throy Catan

richard gutierez

MASAYANG ibinahagi ng La Luna Sangre star na si Richard Gutierrez ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang fiancé na si Sarah Lahbati. Ayon kay Richard: “Okay naman, everything is going well. Smooth ang pregnancy ni Sarah.”

Ipinahayag din ng actor na baby boy ulit ang kanilang parating na baby. Excited raw ang buong pamilya nila sa panibagong biyaya sa kanilang buhay: “Very exciting kasi another boy na naman. Very healthy ‘yung baby. Siyempre another blessing and we’re very happy, very excited.” Sabi pa niya.

Sa ngayon anim na buwan na ang pagbubuntis ni Sarah. Inamin ni Richard na tapos na rin ang mga morning sickness ni Sarah, “Morning sickness? ‘Yung first few months niya, pero ngayon, smooth na.” giit pa ni Richard.

Photo: Push.com.ph

Matatandaan dati ibinahagi ni Sarah na si Richard nga ang kanyang pinaglilihian. “Kay Chard talaga ako naglilihi. Minsan umiinit talaga ang ulo ko sa kanya.” Sey ni Sarah.

Kinumpirma naman ito ni Richard na lagi raw siyang hinahanap ni Sarah. “Di ko alam, pero parang ganun, e. Ganun ang nararamdaman ko, hinahanap ako lagi.”

“Di ko alam kung dahil naglilihi siya o nami-miss niya lang ako dahil nasa taping ako lagi.” Sabay tawa pa ni Chad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s