Vic Sotto, itinanggi na sinuspinde si Maine Mendoza sa Eat Bulaga

throy Catan

Ni: Throy Catan

vic-sotto

ITINANGGI ni Eat Bulaga host at ‘Meant To Beh‘ star na si Vic Sotto ang isyu na sinuspinde si Maine Mendoza kaya ilang araw nang hindi napapanood sa nabanggit na noontime show.

Sinabi ni Vic sa presscon ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na “Meant To Beh,’ na ang pagkakaalam niya’y nakabakasyon ang Kalyeserye princess. Aniya sa nasabing presscon ng kanyang pelikula: “Definitely not! Ba’t naman isususpende siya ng TAPE, ‘no, ng Eat Bulaga? Lalo na kay Mr. Tuviera, respetado niya ‘yang opinyon, pag-iisip, at kung anuman ang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads,”

Dugtong pa niya: “Pagkakaalam ko hindi naman talaga, so yun lang ang pwede kong i-sagot!”

Sabi pa ni Vic, wala siyang napapansin na anumang pinagdadaanan ni Maine pagkat bihira silang magkita dahil madalas itong nasa labas ng studio para sa segment na “Juan For All, All For Juan.”

November 27 nang huling napanood si Maine ng kanyang mga fans sa Eat Bulaga.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s