Vice Ganda, nangunguna sa “Most Followed Filipino Account” sa Twitter ngayong 2017

throy Catan

Ni: Throy Catan

vice-ganda

INAMIN ni Vice Ganda na malaking responsibilidad ang maging “Most Followed” dahil kailangan niyang maging maingat.

Si Vice Ganda ay hinirang bilang nangungunang “Most Followed” account sa Twitter na may 10.1 million followers. Napalitan na niya ang dating #1 “Most Followed” na si Anne Curtis. Nagpasalamat si Vice sa mga followers at mga bashers niya sa patuloy na pag-follow sa kanya. Aniya sa “Conscious pero at the same time ayaw kong ma-lose yung personality ko.”

Ayon kay Vice ay kahit maingat siya, ayaw rin naman niyang magpanggap. Sabi pa niya, “My tweets, they all have to be real all the time, ‘yung hindi siya put on, ‘Ay, si Vice ‘to, si Vice talaga ‘yung nagsasalita, si Vice ang nagtu-tweet.”

Binahagi rin ni Vice na gusto niya ay “positive” lang sana ang mga tweets niya. Ngunit inamin niya na minsan ay hindi rin niya napipigilang patulan.

Dagdag pa niya: “There’s so much hatred sa social media, ayaw kong dumagdag sana. Pero dahil tao lang ako, minsan may gusto rin akong patulan, hindi para palakihin at awayin siya kundi para maturuan lang din ng leksiyon. Kaya minsan kailangan maging matalino ka kung kailan mo gagawin ang mga bagay-bagay.”

Ang sinigurado naman ni Vice ay ang parating raw niyang movie na The Revengers Squad ay puno lamang ng good vibes. Ang Gandarrapido The Revengers Squad ay magbubukas sa December 25 para sa MMFF.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s