Andrea Torres, mas maingat ngayon sa pagpili sa mga roles

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAS magiging maingat daw ang aktres na si Andrea Torres sa mga roles especiallly ang pagpa-pa sexy at siguruhing mas magiging proud daw siya sa bawat pagganap niya para sa kanyang pamilya. Kuwento niya, “Maingat na ako kung saan ako magpapa-sexy. Always, making sure na puwede pa ring panoorin ng magulang ko, ng mga kapatid ko. ‘Yung magi­ging proud pa rin sila.”

Matatandaan, nagsimula si Andrea sa mga youth-oriented television shows; katulad ng Qpids (2005) sa ABS-CBN, at Ka-Blog! (2008) sa GMA.

Ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, isa si Andrea sa mga bida ng Meant To Beh. Dito sa pelikula nila nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, dream come true raw para kay andrea na mapanood siya ng mga bata at hindi niya kaila­ngang magpa-sexy.

Hiling naman niya na mabigyan pa ng magandang proyekto kung saan maipapakita niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Samantala, nais din daw ng aktres na makapamasyal sa loob at labas ng bansa. “Ngayon may mga binu-book na akong trips kasi gusto ko talaga maikot ang mundo,” Giit pa niya.

Sa darating na taon 2018 hangad din ng aktres na magkaroon na ng lovelife kasi medyo matagal na din daw siyang ‘single’ “Sana sa 2018, magkaroon na. Puwede na ako, e. Mas kaya ko ng i-balance siguro ang lovelife at work.”

“Pero siyempre d naman po tayo nagmamadali ,kung may darating o kung wala okay lang din naman.” Sabay ngiti pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s