Coco Martin, natupad na ang kanyang pangarap bilang direktor at prodyuser

throy Catan
NI: Throy Catan

ISANG malaking karangalan daw para kay Coco Martin ang maging bida, direktor, at prodyuser ng pelikula. Ito raw ang matagal na niyang pinapangarap. Aniya: “Nasa indie pa ako, gustung-gusto ko na magdirek. Siguro naramdaman ko sa sarili ko na ito na ang tamang pagkakataon. Sina Tito Eddie (Garcia), matagal ko na silang katrabaho at kaibigan. Kumbaga habang nagsu-shoot din po ako, humingi ako sa kanila ng guidance.”

View this post on Instagram

Ang Panday sa December 25 na po!!!😉😍😘

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Tiyak niyang kakaibang klaseng Panday ang masasaksihan ng mga manonood ngayong Metro Manila Film Festival. “Inaral ko ‘yung storytelling, kung ano ba ang nauuso ngayon. Siyempre sinasabayan ko rin ang mga millennial. At the same time, mayroon pa ring touch ng old na Panday. Iniba ko siya, pinilit ko kasi siyang ibahin. Pinasok ko ‘yung both world na natutunan ko sa indie at saka sa mainstream,” Sabi pa niya.

Samantala, sa gitna ng busy schedule, ay nagagawa pa rin ng aktor na ibalik sa fans ang pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Nitong Biyernes lamang, pinasaya ng aktor ang mga kababayan nating Pinoy sa Florence, Italy para sa ikasampung taong anibersaryo ng Kapamilya Fiesta World.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s