Alden Richards, inaming tuloy pa rin ang tambalang AlDub

throy Catan

Ni: Throy Catan

Alden-Richards

AYON kay Alden Richards hindi raw natapos ang lahat sa popular na love team na AlDub matapos mai-post at mag-viral ang open letter ni Maine Mendoza.

Nilinaw ni Alden na tuloy pa rin ang tambalan nila, sa kabila ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Aniya: “Tuloy pa rin naman po. Hindi naman natapos doon, after that letter e. Okay naman po kami e,”

Ngayong nakabakasyon si Maine ay nananatiling bukas naman daw ang linya ng komunikasyon nilang dalawa.

“Meron naman po, pero hindi naman madalas. Basta po nagkakausap kami and we’re good okay.” Sabi pa niya.

Sa pagkakaalam daw niya ay maayos naman ang kalagayan ni Maine; bagamat hindi na niya sinabi kung nasaan ito.

Samantala, positibo raw ang aktor na magiging masaya at makabuluhan ang taong 2018 para sa kanyang career at sa tambalan nila ng aktres.” Yes mas marami pa silang aabangan para sa amin ni Maine and nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga suporters namin na laging nandiyan para sa amin.” Deklara pa niya.

Muli umanong magbabalik ang “Pambansang Bae” sa paggawa ng teleserye sa 2018 at magiging bida sa Philippine version ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun; kung saan naging lead stars ang Korean superstars na sina Song Joong-ki at ang misis na nito ngayon na si Song Hye Kyo.

Huling napanood si Alden sa primetime teleserye na Destined To Be Yours, ang una niyang teleserye kasama si Maine.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s