ASAP, binigyan ng tribute si Erik Santos

throy Catan

Ni: Throy Catan

erik santos

NUNG linngo sa programang ASAP, binigyan ng tribute ang singer na si Erik Santos, bilang pagpupugay sa 15 taong pamamayagpag sa showbiz at isa sa mahuhusay na mang-aawit at tagapagtaguyod ng Original Pilipino Music o OPM, ang singer na de kalibre sa larangan ng pagkanta.

Kinikilala si Erik  bilang ‘King of Teleserye Theme Songs‘ dahil sa dami ng mga kantang inawit niya para sa iba’t ibang di-malilimutang teleserye ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Hindi rin matatawaran ang iba’t ibang awiting pinasikat ni Erik gaya ng Pagbigyang Muli, Kulang Ako Kung Wala Ka, Kung Akin Ang Mundo, at marami pang iba.

Sa kanyang acceptance speech, maraming pinasalamatan si Erik: simula noong siya’y nagsisimula pa lamang bilang contestant sa Star in a Million kung saan siya nag-champion, hanggang sa mga taong naging bahagi ng kanyang mga tagumpay.

Huli niyang pinasalamatan ang napabalitang nakarelasyon at kasamahang singer na si Angeline Quinto na noo’y nanonood sa audience seat. “Angeline, you’re my singing partner. Medyo malungkot ako dahil wala ka sa tribute na ito pero alam mo iyan, napakalaking bahagi ka ng aking karera,” Sey ni Erik at naghiyawan ang audience.

Dugtong pa niya. “Angeline, thank you so much. I love you.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s