Ang unica hija ni Richard Gomez at Lucy Torres, marami na raw manliligaw

throy Catan

Ni: Throy Catan

DALAGA na ang nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana, 17-anyos na ngayon kaya panay biro si Richard na hindi pa ito handa na makitang mag-boyfriend.

Sa isang panayam pabirong sinabi ng actor-politician: “Huwag ka munang magbo-boyfriend, kakalbuhin kita!”

Ayon kay Richard, bawal pa talagang magboyfriend ang kanyang unica hija. Aniya, “Bawal pa! Bata pa kasi. Seventeen pa lang! Every once in a while, alam ko, may nanliligaw. May umiikot sa gilid.”

Kuwento pa ng 90’s matinee idol na minsan ay sinabihan na raw siya ni Lucy na ‘Alam mo ba na maraming nanliligaw sa anak mo?’ Ang sagot raw niya ay, ” Oh my God! Eto na po! Eto na ‘yun! Nanlalamig ‘yung batok ko!”

Kung si Goma ay panay tawa, seryoso naman si Lucy tungkol sa paggabay kay Juliana pagdating sa pag-ibig.

“Ang palagi kong sinasabi kay Richard, it’s inevitable. Ayoko namang lumalaki si Juliana na may takot. Kasi, it’s not a bad thing. It’s a beautiful thing—to fall in love, ‘di ba? Na may manliligaw. It’s part of a girl’s life.” Sey ni Lucy.

Ang dasal lamang raw niya ay sana makahanap ng tamang lalaki ang kanyang anak.

Dugtong pa ni Lucy, “So, at some point, she will experience that. And then, ang akin lang talaga, she ends up with the right man. I can only pray, ‘di ba?”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s