Toni Gonzaga, bibida muli sa Kapamilya show na Maalaala Mo Kaya

throy Catan

Ni: Throy Catan

toni gonzaga

MARAMI ang nag-aabang ng mga tagahanga at tagasubaybay ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga-Soriano ang kanyang pagbabalik-drama sa kanyang natatanging pagganap sa award-winning at longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya o MMK sa ABS-CBN Kapamilya Network.

Ang huling pagganap ni Toni sa MMK ay noong 2011 na may pamagat na ‘Tropeo’ kasama ang teen star na si Nash Aguas.

Ang pagganap ni Toni bago magwakas ang 2017 ay tungkol sa kuwento ni Josephine, isang babae na piniling manatili sa tabi ng kanyang inang may Alzheimer’s Disease na gagampanan ni Gloria Diaz.

Tiyak na maraming paluluhain ang aktres lalo pa’t napatunayan na niya ang kahusayan sa drama mula sa mga pelikula at teleseryeng pinagbidahan niya.

Maraming netizens sa Twitter ang nagpahayag ng kanilang pagkasabik na muling mapanood ang magaling na TV host na umaarte.

Abangan ang episode na ito sa Disyembre 23, 2017 sa ganap na 8:00 ng gabi sa ABS-CBN Kapamilya Network.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s