Maine Mendoza, magbabalik telebisyon next year

throy Catan

Ni: Throy Catan

maine-mendoza2

MAPAPANOOD na muli si Maine Mendoza, ang ka-love team ni Alden Richards, sa January 1, 2018. Magta-tatlong linggong wala ang aktres sa noontime show.

Kinumpirma ni Rams David, manager ni Maine ang pagbabalik niya sa nasabing palabas. Aniya:”Definitely she’ll be back. Alam naman nating she’s having a good time sa States with her family. Doon sila magki-Christmas,”

Dugtong pa niya: “Sobrang napagod sa dami ng trabaho. Saka remember, hindi naman siya showbiz, ‘di ba? So, two years na mahigit na para siyang a fish out of the water. Bigla nating itinulak sa jungle! Dalawang taon niyang hinarap ang lahat ng challenges, ups and downs. Lahat.”

Tungkol naman sa open letter ni Mendoza para sa fans, nilinaw ni David na hindi nangangahulugan ito na tatalikuran na ng aktres ang showbiz. Sa open letter ay nilinaw ni Mendoza na magkaibigan lamang talaga sila ni Richards. Naging viral ang bukas na liham na ito at umani ng iba’t ibang reaksyon.

Pagkatapos nito, lumabas din ang balita na hinahanapan na ng ibang ka-love team si Richards para sa Pinoy version ng Descendants of the Sun.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s