Coco Martin, sobrang busy pa rin kahit malapit na ang pasko

throy Catan

Ni: Throy Catan

Coco+Martin

KAHIT na sobrang busy ang actor-producer na si Coco Martin sa kanyang serye na halos dalawang taong ng primetime series niya na FPJ’s Ang Probinsyano, ay nagawa pang isingit ni Coco ang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Panday kung saan siya ay tumatayong lead actor, director, at producer.

Aniya: “Kung anuman ‘yong ginagawa ko ngayon, binubuhos ko na ‘yung 100 percent. Nandito na ako, wala nang atrasan ito, gagawin ko na lahat. Kaya kapag weekends, nagmu-motorcade ako, nagmu-mall show ako. Una, para magpasalamat sa lahat ng taong tumatangkilik sa Ang Probinsyano. Pangalawa, para masabi ko sa mga tao na mayroon kaming regalo sa darating na Kapaskuhan,”

Pagkatapos ng Pasko, ilalaan naman daw niya ang kanyang oras sa sarili at sa kanyang pamilya.

“Magbabakasyon naman ako, pagod na pagod na ako. Ha-ha! Pero hindi, time for my family kasi lagi talaga, wala akong time para sa kanila, kasi nga every day akong nagwu-work. Pero sabi ko nga, hindi ko naman pinagsisihan ‘yon dahil kailangan kong gawin ito para maitaguyod ko sila. Kumbaga, ako na yung nagsa-sacrifice para mabigyan ng future yung mga pamangkin ko, magandang kinabukasan,” Sabi pa niya.

Masaya naman ang actor dahil noong nakaraang linggo lamang ay masaya niyang ipinasyal ang kanyang Lola Matilde sa Italy, kung saan nagkaroon siya ng show kasama ang ilang co-stars sa Ang Probinsyano.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s