Lotlot de Leon, boto kay Rayver Cruz para sa kanyang anak na si Janine Gutierrez

throy Catan

Ni: Throy Catan

MASAYA ang actress na si Lotlot de Leon dahil lubos na niyang kilala ang manliligaw ng kanyang anak sapagkat kanya na itong nakatrabaho. Boto raw si Lotlot sa actor na si Rayver Cruz, mabait at wala siyang masasabi sa binata.

Sa isang panayam kay Lotlot  nitong nakaraan Linggo. Kuwento niya: “Actually, natuwa ako, kasi kilala ko nga siya, e. And I know he’s sincere. Sincere siya kung anuman ang pakay niya. Hindi naman para bilugin pa ang ulo ko o ano. Hindi gano’n, e. Sana sagutin na siya ni Janine [Gutierrez]!”

Dati nang nagkasama sina lotlot at Rayver sa fantasy series na Spirits, na umere simula 2004 hanggang 2005.

“Mabait si Rayver. I’ve known him since he was fourteen [years old]. Matagal ko nang kakilala ang batang ‘yan, and I’ve worked with him already. We had a show in ABS-CBN, and almost every day magkasama kami niyan. So, kilala ko ‘yan,”

“Para sa akin aprub siya para sa anak ko talaga.” Sey pa niya.

Janine-Gutierrez

Nakahanda raw ang aktres na suportahan ang dalawa sakaling maging pormal na ang relasyon ng mga ito. Gayunman, desisyon pa rin daw ng kanyang anak ang masusunod sa huli.

“Oo, ‘di ba? I mean, if that’s what Janine wants also. Siyempre, susuportahan ko ang anak ko. Diskarte na niya (Rayver) ‘yon, e. Kumbaga, ako, dito lang. Pero alam ni Janine na gusto ko si Rayver for her. Alam niya na approve ako for her. But of course, in the end, that’s her decision,” Deklara pa niya.

rayver-cruz-album

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s