Katrina Halili, ayaw daw niya payagan ang kanyang anak na pumasok sa showbiz

throy Catan

Ni: Throy Catan

PARA sa actress na si Katrina Halili, hindi raw papayagan na pumasok sa showbiz ang kanyang anak. Kamakailan ibinahagi ni Katrina ang tungkol sa pagiging mommy niya sa kanyang anak kay Kris Lawrence na si Katie, na ngayon ay limang taong gulang na.

Aniya: “Yong baby ko, five years old na. Sobrang bilis, nag-i-school na siya. Nauutusan na at malambing. Nakakatulong na siya sa bahay,”

Malaki na ang kanyang anak ngunit kahit na nakikitain man daw niya ito ng pagkahilig sa pag-aartista ay hindi raw niya ito papayagan. Kuwento pa niya, “Ay, hindi. Ako na lang ang magpupuyat for her. Mag-aral na lang siya, ako na lang ang magwo-work kahit matanda na ako,”

Very proud si Katrina sa kanyang anak, Masipag daw at matalino si Katie. “Magaling mag-drawing at mag-paint. Artistic siya, mahilig siya sa mga musical instruments.” pagbabahagi ng aktres.

“Dati may nagtanong sa kanya tungkol sa musical instrument, sabi niya maracas at trumpet. ‘Di ba ‘pag normally ang mga usual na favorite musical instruments, guitar o piano? Naloka ako sa kanya. May mga pagano’n siyang effect,” Sey pa niya.

Kamusta naman si Kris Lwarence in terms of responsibilty bilang ama kay Katie? “Very close sila mag-ama and okay naman hindi naman niya pinapabayaan ang aming anak.” Deklara pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s