Vic Sotto, ayaw na gawin ang “Filipino way” na pagdidisiplina sa kanyang anak

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAKIKITA raw sa pelikulang Meant To Beh ang pagiging tatay ni Vic Sotto kung kaya’t napag-usapan kung paano siya bilang isang ama sa sariling mga anak.

Dahil dito, ibinahagi ni Vic ang mga pangyayaring dumurog sa kanyang puso. Nagawa niya lamang daw ang mga ganoong klase ng bagay dahil sa paghahangad na madisiplina ang mga anak sa “Filipino way.” Ngunit pinagsisihan daw talaga ito ng aktor at nangako siya sa kanyang sarili na kailanman ay hindi niya na ito gagawin.

Ikinuwento ni Vic na umiyak siya matapos gawin ang isang uri ng disiplina sa isa sa kanyang mga anak. Hindi na niya dinetalye kung ano ang paraan ng pagdidisiplina niyang iyon, ngunit nadurog daw ang kanyang puso kaya hindi na raw niya inulit iyon, at hinding-hindi na raw niya gagawin pa.

Sa apat na anak ni Vic, si Paulina lang umano ang hindi nakatikim ng kanyang pagdidisiplina. Sina Danica, Oyo, at Vico ay nakaranas daw ng kanyang pagdidisiplina. Nais din daw kasi ng mga nanay nila na sina Dina Bonnevie at Coney Reyes na disiplinahin niya ang kanyang mga anak.

Sa ngayon humahataw sa mga sinehan ang pelikulang Meant To Be na nagbukas noong Lunes, araw ng kapaskuhan na isa sa mga entry ng Metro Manila Film Festival.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s