Ellen Adarna, hindi tinantanan ng mga bashers kahit sa araw mismo ng Pasko

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAGKASAMA nagdiwang ng kanilang unang pasko ang rumored celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Sa Instagram post ni Ellen, nag post siya ng isang pagbati na: “Merry Christmas.”

Pagkatapos ng pagbati ni Ellen sa nasabing post, sumunod ang isang basher na kumukwestiyon sa kanyang pagbubuntis. Agad naman binuwetahan ni Ellen: “lol! Hirap na hirap sila mag move on.” sagot niya sa nasabing post.

Kamakailan lamang ay naiulat na nakita ang dalawa sa St. Luke’s Medical Center–Global City kung saan nagpa-ultra sound umano si Ellen.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag sa tunay na kalagayan ni Ellen .Pero ayon sa kampo ni Ellen bago magtapos ang taon ay magsasalita na si Ellen dahil magtatapos na rin ang mga kontrata nitong nagbabawal sa kanyang magbuntis.

Samantala, noong Oktubre 6 ay nagkasundo ang ABS-CBN at si John Lloyd Cruz na mag “indefinite leave” muna ang aktor upang ayusin ang ilang personal na bagay.

Nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Loydie at Ellen sa weekend sitcom na “Home Sweetie Home” kung saan naging bahagi si Ellen ng show.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s