Derek Ramsay, sinagot ang mga mabibigat na tanong sa Tonight with Boy Abunda

throy Catan

Ni: Throy Catan

derek-ramsay

EXCITED na ang mga tagahanga ni Derek Ramsay at nasasabik na muling makita siya sa bakuran ng kanyang first home network na ABS-CBN Kapamilya Network, kaya naman marami ang tumutok sa pag-upo niya sa hot seat sa Tonight with Boy Abunda noong Miyerkules, Disyembre 27, 2017.

Si Derek ay bida ngayon sa pelikulang All of You; isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival na nagkamit ng 3rd Best Picture sa katatapos na Gabi ng Parangal. Pagbabalik-tambalan nila ito sa big screen ni Jennylyn Mercado matapos ang kanilang pelikulang English Only Please. Si Derek din ang itinanghal na Festival Best Actor para sa MMFF 2017.

Samantala, agad naman nilinaw ni Derek na siya ay nakapirma pa rin ng kontrata sa ilalim ng TV5 Network subalit ang ABS-CBN ay may malaking puwang sa kanyang puso pagkat doon siya nagsimula bilang artista.

Sa tanong ni Kuya Boy Abunda kung naniniwala ba siya sa kasal, tahasan siyang tumugon na inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa isang perfect marriage, gaya ng matibay na pagsasama ng kanyang mga magulang sa loob ng 40 taon.

Aminado naman si Derek na nagsasama na sila ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca na karelasyon niya sa loob ng mahigit 3 taon.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s