Vice Ganda,pinasalamatan ang mga fans sa Instagram

throy Catan

Ni: Throy Catan

MALAKI ang pasasalamat ng komedyanteng si Vice Ganda dahil sa labis na pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga niya. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Vice kung gaano pinatataba ng kanyang mga tagasuporta ang puso niya.

Kitang-kita ang suporta ng mga ito sa Gandarrapido: The Revenger Squad; ang pinagbibidahan niya , siyempre kasama din sa mga bida sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Aniya: “Maraming-maraming salamat po, Madlang People! Ang sarap n’yo magmahal. Ang sarap makipagmahalan sa inyo!”

Para sa kanya, bakit kailangan panoorin ang kanilang pelikula? “Maganda ang pelikula namin very entertaining , basta tatawa ka lang ng tatawa!…”Kung gusto mo muna ma stop ang problema mo ito na ang sagot panoorin nyo po! Promise po magugustuhan nyo po ito.”

Dagdag pa niya: “Sobrang masaya ang pasko namin dahil sa suportang binigay nyo sa amin! Muli malaki na naman ang utang na loob namin po sa inyo dahil sa sobrang suporta nyo sa amin, Salamat po marami…”

Vice Ganda

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s