Glaiza de Castro, bibida sa bagong Kapuso teleseryeng “Contessa”

throy Catan

Ni: Throy Catan

BALIK serye ang actress-singer na si Glaiza de Castro pagkatapos na matagumpay na fantaserye ang prequel na Encantadia Muling sasabak sa drama si Glaiza na mapapanood sa nangungunang GMA Afternoon Prime soon.

Si Glaiza ang bibida sa afternoon drama na pinamagatang Contessa, makakapareha niya dito ang guapo, mabait at mahusay na actor na ngayon ay humahataw ang karir na si Jak Roberto. Kasama din sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, and Tetchie Agbayani sa direksyon ni Albert Langitan.

Sa isang panayam kinuwento ni Glaiza kung ano ang dapat abangan sa seryeng “Contessa”. Aniya, “Bea ang magiging name ng character ko.”Meron siyang minahal na lalaki at sabihin na nating may mangyayaring hindi maganda. “Gagawin ni Bea ang lahat para iredeem kung ano man ang nawala sa kanya. Magiging palaban siya dito. Sa una, api-api then sa huli, mayroon siyang redemption. It’s about women empowerment.”

Bakit kailangan abangan ng mga viewers ang nasabing soap na Contessa?

Sabi pa niya, “This time ibang Glaiza ang mapapanood nyo dito. Hindi ko pa pwede sabihin lahat pero sobrang excited ako, kaming lahat sa proyektong ito. Sana po ay suporthan nyo kami sa aming bagong soap tiyak po na magugutuhan nyo ang aming bagong proyekto.”

Ang Contessa ay mapanood sa darating na March 2018 pagkatapos ng top-rating afternoon series Ika-6 Na Utos.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s