Kris Aquino, ipinagtanggol si Erich Gonzales sa social media

throy Catan

Ni: Throy Catan

IPINAGTANGGOL ni Kris Aquino ang malapit niyang kaibigan at itinuturing na anak-anakan na si Erich Gonzales mula sa isang social media troll na nang-bash sa dalagang aktres.

Nagsimula ang galit ni Kris sa basher matapos niyang mag-post ng mensahe sa Instagram bilang pagsuporta kay Erich sa pelikula nito na kasali sa Metro Manila Film Festival 2017 ang Siargao na dinerek ni Paul Soriano.

Isang netizen na may handle na wonder2505′ ang nagkomento sa post ni Kris laban kay Erich. Sinabi ng social media troll: “Kabit ni Paul Soriano panira ng pamilya,”

Hindi ito pinalampas ni Kris at sinagot ang basher. Tinawag niyang malisyoso at fake news ang komento ng netizen Aniya, ninang siya sa kasal nina Paul at Toni Gonzaga at solid umano ang pagsasama ng dalawa.

Dagdag pa ni Kris, may guwapo at intelihenteng manliligaw ngayon si Erich. Kaya dapat itigil na ang hindi magandang isyu para sa kanyang kabigan si Erich, ganun din sa mag-asawa na sina Toni at direk Paul.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s