Daniel Padilla, itinanghal bilang Best Actor sa FAMAS

throy Catan

Ni: Throy Catan

daniel-kath

ISANG magandang balita ang sumalubong kay Daniel Padilla nitong Martes pagkagaling niya sa family vacation sa Japan makaraang tumanggap ng  best actor trophy mula sa FAMAS, ang parangal ay para sa kanyang pagganap sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Sa panayam nga kay Daniel sa taping ng kanilang number seryeng La Luna Sangre.

Bungad ni Daniel, “Gusto kong   magpasalamat sa bumubuo po ng FAMAS, maraming maraming salamat po sa tiwala na ibinigay niyo po sa akin at sa recognition po na ito. Napakalaking recognition. Thank you very much. Lalo ko pa pong huhusayan nang sobra sobra and napa-merry nila ang Christmas ko talaga,”

Labis din ang pasasalamat ni Daniel sa ka-love team na si Kathryn Bernardo at kay Direk Olivia Lamasan na kinilala rin bilang best director award ng FAMAS.

Ayon pa sa actor bigla daw siyang  na-pressure matapos matanggap ang award  lalo na sa mga susunod na proyekto na gagawin niya “Siyempre kailangan mong panindigan ‘tong mga binibigay sa ‘yong (award). Hindi naman puwedeng ibibigay sa ‘yo tapos patawa ka lang, ‘di ba? So kailangan mong panindigan ang tingin ng tao sa ‘yo and ready ako para do’n, at mas pagbubutihin ko pa para sa kanila.”

Dugtong pa ni Daniel pagkatapos daw ng serye nila ni Kathryn ay may pakaaabangan daw  ang ‘KathNiel’ mga supporters nila na isang pelikula para sa 2018  na excited na daw nilang gawin.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s