Angel Locsin, nakatanggap ng papuri dahil sa pagtulong niya sa mga staff at crew ng Pilipinas Got Talent

throy Catan

Ni: Throy Catan

1

UMANI naman ng papuri at paghanga mula sa mga netizen ang ginawang pagtulong ng actress na si Angel Locsin.

Matapos niyang ipakita ang pagiging likas na matulungin sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa mga staff at crew ng Pilipinas Got Talent, season 6 sa pagse-set up ng entablado para sa isang act na magpapamalas ng husay sa paggamit ng arnis, sa ikalawang episode nito noong Linggo ng gabi, Enero 7, 2018.

Hindi nagdadalawang-isip na tumayo si Angel, kasama ang isa pang huradong si Robin Padilla mula sa kanilang kinauupuan at tumulong sa pagkakabit  ng mga rubber mat. Pinasaya naman ni Vice Ganda ang lahat dahil nagkunwari siyang ‘haciendera’ na tila inuutus-utusan ang mga ‘aliping’ sina Angel, Robin, at iba pang staff at crew.

Sina Angel, Vice at Robin ay isa lamang sa mga hurado ng bagong season ng Pilipinas Got Talent.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s